PINARANGALAN ang isang estudyante mula Sorsogon sa 70th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature kamakailan.
Nasungkit ni John Clarence “Klara” Espedido ng Bulusan National High School sa Dibisyon ng Sorsogon, Bicol ang pangatlong puwesto sa kategoryang Kabataang Sanaysay.
Pagbabalik-tanaw sa mga naramdaman at pinagdaanan sa panahon ng mapanubok na krisis ng pandemya gamit ang apat na bantas ang naging paksa ng sanaysay ni Espedido.
Ayon kay Espedido na isang Grade 12 Humanities and Social Sciences student na ang parangal ay patunay kung gaano kalaki at kalayo ang mararating ng mga estudyante kung sisimulan nilang baybayin ang daan ng tibay ng loob at tiwala sa sarili.