Isang festival sa Mexico, tampok muli ang bullfighting

Isang festival sa Mexico, tampok muli ang bullfighting

TAMPOK muli sa isang pagdiriwang sa bansang Mexico na kung tawagin ay “Dia de La Candelaria” simula noong Enero 28 hanggang Pebrero 9 ang bullfighting.

Sa kabila ito ng mga pagtutol ng animal rights activists sa naturang event.

Hunyo 2022 nang maipahinto ang bullfighting na naging libangan na sa Mexico sa nakalipas na 500 taon.

Mismong ang organisasyong Justicia Justa ang nanguna para maipahinto ito.

Sinabi ng Justicia Justa, ang pagkakaroon ng bullfighting ay nagiging sanhi para magkaroon ng hindi kaaya-ayang kapaligiran dahil nahihikayat ang mga taga-Mexico na maging marahas sa mga hayop o sa kapwa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble