Isang Fil-Am chef, pasok sa emerging chef category ng James Beard Award 2025

Isang Fil-Am chef, pasok sa emerging chef category ng James Beard Award 2025

KASALI sa semifinalists ng 2025 James Beard Award Emerging Chef category ang Pinoy-American na si Paolo Dungca mula sa Washington, DC.

Tampok dito ang kaniyang Pinoy restaurant sa Estados Unidos na ‘Hiraya’.

Ikinokonsiderang isa sa standout dishes ng naturang restaurant ang ‘tocino burger with ube buns’ lalo na’t naging cover na ito sa American Food & Wine Magazine noong taong 2022.

Sa Abril 2 naman iaanunsiyo ang mga mananalo dito ngunit ang grand awards ceremony ay sa Hunyo 16 sa Lyric Opera sa Chicago.

Samantala, ang Fil-Am chef din na si Lord Maynard Llera ng ‘Kuya Lord’ Pinoy restaurant sa Los Angeles ay nanalo na ng James Beard Award para sa Best Chef: California category noong 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble