Isang guro arestado sa bentahan ng droga sa Sultan Kudarat

Isang guro arestado sa bentahan ng droga sa Sultan Kudarat

ARESTADO ang isang guro sa isang pampublikong paaralan sa Kalamansig, Sultan Kudarat matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isang buy-bust operation nitong March 15, 2025.

Kinilala ang suspek bilang si ‘Alias George,’ 37 years old na nagsisilbing teacher-in-charge sa isang lokal na paaralan.

Nasamsam sa kanya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P26,000, marked money, at isang cellphone na pinaniniwalaang ginagamit sa iligal na transaksyon.

Si Alias George ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kasabwat ang suspek sa illegal drug trade.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble