NAARESTO ang isang high value target at itinuturing na regional priority target matapos ang ginawang buy-bust operation sa Brgy. Rawis, Laoang, Northern Samar.
Ang sanib-puwersang operasyon ng Laoang Municipal Police Station (lead unit) kasama ang PDEA VIII-Northern Samar Provincial Office ay nagresulta rin sa pagkakabuwag ng isang drug den sa nasabing lugar.
Kinilala ang nahuling target na si alyas “Mark”, nakuha mula sa kaniya ang anim na piraso ng sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na may bigat na humigit-kumulang 3 gramo na nagkakahalaga ng aabot sa mahigit 23,000 libo.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).