Isang ina sa Sweden, ikinulong dahil pagdala ng kanyang anak sa ISIS sa Syria

ISANG ina sa Sweden hinatulan ng 3 taon na pagkakabilanggo, matapos dalhin ang kaniyang 2 taong gulang na anak na lalaki sa Syria kung saan ang lugar ay kontrolado ng isang pangkat ng Islamic State o IS.

Ang babae ay nakatira sa Southern Town of Landskrona, sinabihan umano ang ama ng bata na siya at ang bata ay magbabakasyon lamang sa Turkey.

Gayunpaman, ng sila ay nasa Turkey ang dalawa ay tumawid sa Syria kung saan ang teritoryo ay pinapatakbo ng IS.

Sinabihan ng korte ang babae na hindi umano pinangalanan na nagdala ng kanyang anak sa panganib

“Where there was war and an environment characterized by the violent ideology of the islamic state group.”

Ayon sa korte, nahatulan ang 31-taong gulang na babae na dumating sa Syria noong 2014 ng “arbitrary conduct with a child”  dahil sa paglalagay sa peligro ng kanyang dalawang taong gulang na anak.

Matapos ang pag-aresto sa kanya ng mga Kurdish noong 2018, nagawa nitong tumakas sa Turkey noong unang bahagi ng 2020.

Pinatalsik naman siya ng Sweden noong Nobyembre kasama ang kanyang mga anak sa isang ISIS fighter.

Sinabi ng babae sa korte na balak nya lamang mag-stay ng ilang araw sa Syria, ngunit pinatunayan ng prosecutor na balak nitong manatili doon.

“She intended to move to Syria with her son and settle there permanently, and took her son away from his Father in an arbitrary manner,” Pahayag ng korte

Ayon sa Sweden’s Intelligence Service Säpo, humigit kumulang 300 na kababaihan na residente ng Sweden ang sumali sa ISIS sa Syria at Iraq noong 2013 at 2014 at halos kalahati sa kanila ang nakabalik.

Ayon sa Ranstorp, 75 percent ng mga sumali sa Jihadist Organization ay Swedish nationals at 34 percent nito ay ipinanganak sa Sweden.

(BASAHIN: DFA mourns death of Honorary PH consul general in Stockholm, Sweden)

SMNI NEWS