Isang Indian national, arestado sa Bacolod

Isang Indian national, arestado sa Bacolod

INARESTO ang isang Indian national na kinilalang si Joginder Geong matapos matuklasang meron itong patong-patong na kaso sa India.

Sa pamamagitan ng isang joint operation ng Bacolod City Police Office at fugitive search unit ng Bureau of Immigration, ang Indian national ay nahuli sa Santa Lucia Gardens Subdivision, Brgy. Taculing, Bacolod City.

Natuklasan na convicted ang nasabing Indian sa kasong murder, attempted murder, extortion, robbery at pinaghihinalaang isang lider ng sindikato sa kanilang bansa.

Sa imbestigasyon, nakapasok ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang pekeng Nepalese passport sa pangalang Kant Gupta.

Dahil dito ay nahaharap na rin ito sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Law, Commonwealth Act No. 613.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble