Isang kaso ng subvariant ng Omicron, natukoy sa Pilipinas – DOH

Isang kaso ng subvariant ng Omicron, natukoy sa Pilipinas – DOH

NATUKOY sa Pilipinas ang isang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 variant na Omicron-BA.1.12 sa isang dayuhan sa Baguio City ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ito ay 53 years old na babae mula sa Finland.

Dumating sa bansa ang babae noong April 2, 2022 at hindi na sumailalim sa routine isolation dahil ito ay fully vaccinated at asymptomatic.

Unang nagtungo ang babae sa isang university sa Quezon City at pumunta sa Baguio City para magsagawa ng seminar.

Sa ika-siyam na araw ng kanyang pagdating sa bansa, nakaranas ito ng mild symptoms tulad ng sakit sa ulo at sore throat at nagpositibo sa COVID-19 RT-PCR test.

Dahil dito, nasa 9 na asymptomatic close contacts ang agad natukoy ng local epidemiology and surveillance unit sa Baguio City at dalawa sa mga ito ang isinailalim sa pagsusuri at nagnegatibo sa test.

Una nang inihayag ng OCTA na pwedeng magkaroon ng 10,000 bagong kaso ng COVID-19 araw-araw kung makapasok ang Omicron subvariants sa bansa.

Samantala, nakauwi na ang babae sa Finland matapos ang kanyang 7-day isolation at gumaling noong April 21, 2022.

Follow SMNI NMEWS in Twitter