HINALUGHOG ng security forces ng Pakistan ang isang kuta ng mga militante sa hilagang-kanlurang bahagi ng kanilang bansa nitong Huwebes, Marso 20, 2025.
Nagresulta ito sa matinding sagupaan kung saan isang kapitan ng hukbo at 10 militante ang nasawi.
Ayon pa sa Pakistani security forces, ang mga namatay na militante ay kinilala bilang kaalyado ng Afghan Taliban.
Ang distrito na sinalakay ay nasa hangganan na ng Afghanistan.