ARESTADO ang isang lalaki dahil sa hindi awtorisado nitong paggamit ng uniporme ng Philippine National Police (PNP).
Lunes, Abril 8, 2024 nang naaresto ng Southern Police District ang suspek sa PITX Terminal, Parañaque City.
Sa ulat, si Staff Sergeant Jeffrey Tupil ang nakakita sa suspek na maliban sa suot na PNP uniform ay naka-jogging pants at naka-tsinelas ito.
Kahina-hinala rin ang galaw nito ayon kay Tupil habang nagsi-selfie sa loob ng isang bus.
Nang hiningi ni Tupil mula sa suspek ang PNP identification card nito ay dito na nadiskubreng hindi ito lehitimong pulis.