Isang lalaki inaresto matapos magpanggap na hepe ng LTO

Isang lalaki inaresto matapos magpanggap na hepe ng LTO

INARESTO ang isang lalaki na nagpapakilalang pinuno ng Land Transportation Office (LTO) para makapangikil ng pera kapalit ng pagpapalaya sa mga nakumpiskang colorum na bus.

Mismong mga intelligence agent ng LTO at ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) ang nag-aresto nito.

Kinilala ang impostor bilang si Jeffrey Morong Mendoza, isang residente ng San Mateo, Rizal.

Ayon kay LTO Chairman Vigor Mendoza II, nadiskubre niya ang modus nang ipaalam ng ilang bus operator na mayroon siyang impostor at nangongolekta ng P250K kapalit ng pagpapalaya ng isang nakumpiskang pampasaherong bus.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga kasong usurpation of authority at estafa sa ilalim ng Revised Penal Code kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble