Isang linggo na pagpatutupad ng ECQ, kukulangin —OCTA

KUKULANGIN ang isang linggong pagpapatupad ng ECQ sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research, mas mainam na gawing dalawang linggo ang paghihigpit sa galaw ng mga tao dahil umaabot sa 10 hanggang 14 days ang incubation cycle bago makita o ma-detect ang COVID-19 virus.

Ikinagagalak naman nila ang pagpapatupad ng mas istriktong quarantine dahil tumaas na talaga ang kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila at hindi mapuno ang mga ospital.

Sa huli, hinihikayat naman ng OCTA ang publiko na makiisa sa gobyerno para sa ikabubuti ng lahat.

Samantala, sapat ang pwersa ng kapulisan sa kabila nang muling pagsasailalim ng National Capital Region at ibang karatig na probinsya sa Enhanced Community Quarantine.

Ito ang inihayag ni DILG Officer-in-Charge Undersecretary Bernardo Florece Jr.

Aniya, naka-deploy na ang mga pulis simula nang ipatupad ang NCR Plus bubble.

Samantala, magkaaroon ng mga checkpoints sa loob ng NCR Plus upang maipatupad ang curfew na magsisimula ng alas 6 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.

Nananawagan naman ito sa mga barangay na istriktong ipatupad ang minimum health standard upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

(BASAHIN:  ECQ, ipatutupad sa NCR Plus simula sa Lunes, Marso 29)

SMNI NEWS