Isang Malaysian digital-only bank sa Pilipinas, target maabot ang 10M customers ngayong 2025

Isang Malaysian digital-only bank sa Pilipinas, target maabot ang 10M customers ngayong 2025

TARGET ng digital-only Commerce International Merchant Bankers Berhad (CIMB) Bank Philippines na maabot ang 10 milyong mga customer ngayong taon.

Inspirasyon nila rito ang kabuuang 9 milyong customer nila noong 2024 simula nang maitayo ito sa Pilipinas bilang pioneer all-digital banking services provider noong 2018.

Sa isang pahayag ng nabanggit na digital bank, nananatili anila ang kanilang layunin na bigyan ang bawat Pinoy ng access sa pagbabangko at magbigay ng walang-hirap na banking, kaya’t nais pa nilang palawakin ang kanilang serbisyo.

Ang CIMB Bank ay nagmula sa Malaysia at may malawak na presensya sa mga bansang Singapore, Indonesia, Thailand, Cambodia, Vietnam, at Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble