TINATAYANG nasa isang milyong consumers ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa Bagyong Kristine.
Ayon ito sa Department of Energy (DOE) sa naging virtual briefing nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2024.
Ang mga apektado ay nagmumula sa 52 probinsiya at 12 rehiyon.
Sa datos ng National Electrification Administration (NEA), 6 na electric cooperatives ang nakararanas ng power interruptions habang 29 ang nahaharap sa partial outages.