MAS pinapalawak pa ng North Korea ang isang pabrika nila na gumagawa ng short-range missiles.
Ayon ito sa researchers ng James Martin Center for Nonproliferation Studies batay na rin sa kanilang nakolektang satellite images noong Oktubre.
Sa mga satellite image, makikita rito na mayroong ginagawang panibagong assembly complex sa Hamhung, North Korea.
Samantala, sa mga ulat, ang short-range missiles na ginagawa sa Hamhung ay ang ginagamit ng Russia laban sa Ukraine.