ISANG rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Dingalan sa probinsiya ng Aurora.
Ito ay dahil sa takot ng sumukong rebelde na masawi sa lumalakas na pwersa ng militar sa naturang lugar.
Sa isang pahayag ni Maj. Gen. Andrew Costelo, Northern Luzon’s Command (NolCom) Acting Commander, kinilala ang sumukong rebelde na si Berboy Calara Aviendo, alyas JR/Oscar/Joey 37 taong gulang.
Si Aviendo ay residente ng Barangay Matawe, Dingalan, Aurora, at miyembro ng dismantled Communist Guerrilla Front,. Kilusang Larangan Gerilya-Sierra Madre.
Isinuko naman ni Aviendo ang dating ginagamit na armas na isang M14 rifle, isang magazine ng M14 at siyam na bala ng M14.
Isinalayasay ni Aviendo ang kaniyang naranasang kahirapan sa buhay bilang isang rebelde.
Gutom, pagod at takot na masawi sa tropa ng gobyerno dahil sa pinaigting na laban ng tropa ng gobyerno sa komunistang teroristang grupo.
Samantala, ayon kay General Costelo, hinihimok nito ang iba pang mga rebeldeng grupo na talikuran na ang armadong pakikibaka at tanggapin ang inaalok na tulong ng gobyerno na mga programa na magiging daan sa pagbabagong buhay.
“NoLCom has its doors open for the former comrades of Aviendo who wish to return to the fold of the law and start anew with their families,” pahayag ni Maj. Gen. Costelo.