NAKAPAGTALA na ang Pilipinas ng kauna-unahang kaso ng pagkasawi kaugnay sa monkeypox.
Ipinaliwanag ni Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa sa isang media forum nitong Disyembre 17, 2024 na hindi direktang mpox ang dahilan ng pagkasawi.
May iba pang sakit aniya ang mpox patient at iyon ang ikinamatay nito.
As of December 16, nasa 52 na ang kabuuang bilang ng mpox cases sa bansa ngunit ang 28 dito ang naka-recover na.
Karamihan sa mga nagkasakit ng mpox ay nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Cagayan Valley, at Central Visayas.