Isang munisipyo sa Tarlac, ipinatupad ang ‘no vaccine, no entry’ policy

Isang munisipyo sa Tarlac, ipinatupad ang ‘no vaccine, no entry’ policy

IPINATUPAD ng munisipyo ng Moncada sa probinsiya ng Tarlac ang ‘no vaccine, no entry’ policy simula ngayong araw Enero 6.

Sa naturang polisiya, hindi payagan ang mga indibidwal na pumasok sa mga opisina ng gobyerno at mga establisimyento na hindi bakunado.

Inaprubahan ni Mayor Estelita Aquino at municipal health officer Peter Louie Tamayo ang resolusyon ng COVID-19 Task Force ng nasabing bayan.

Ayon sa resolusyon, tanging mga bakunadong indibidwal lamang ang pinapayagan na pumasok sa mga opisina ng gobyerno, pampublikong merkado, at mga establisimyento.

Kabilang sa mga establisimyento ang grocery stores, supermarkets, restaurants, cafes, spas, salons, banks, resorts, mony chagers, atbp.

Haharap naman sa kaparusahan ang mga establisimyentong bigong sumunod sa patakaran ng task force.

Ayon sa task force, kinakailangan ang ganitong aksyon upang mapigil ang pagkalat ng Omicron variant ng COVID-19 sa bayan.

May tatlong aktibong kaso ang Moncada hanggang Miyerkules, Enero 5. Wala itong rekord ng bagong kaso, gumaling sa sakit, at pagkasawi sa parehong araw.

SMNI NEWS