Isang negosyanteng Briton ipinapaaresto ng Marikina RTC

Isang negosyanteng Briton ipinapaaresto ng Marikina RTC

INIUTOS ng Regional Trial Court (RTC) ng Marikina City ang pag-aresto sa negosyanteng Briton na si Lavish Mohan Paryani at sa kaniyang kasamang akusado.

Kaugnay ito sa kasong estafa na nagkakahalaga ng P16M na isinampa ng isang negosyanteng Pilipino.

Ang kautusan ng pag-aresto ay inilabas ni RTC Judge Rey Penacerrada batay sa kasong kriminal na isinampa ng Department of Justice.

Ayon sa reklamo, niloko ni Paryani at ang kaniyang co-accused ang negosyanteng si Mark Joseph de Guia upang pondohan ang isang umano’y purchase order para sa 100 piraso ng Apple Pro Vision na nagkakahalaga ng P20 million.

Mayroon ding naunang estafa case laban sa dalawa noong nakaraang taon, matapos nilang lokohin ang isang kompanya ng electronic parts at communication equipment sa halagang P12M.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble