NAARESTO ng mga pulis ang umano’y miyembro ng Special Partisan Unit (SPARU) ng komunistang New People’s Army (NPA) sa bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur.
Kinilala ang suspek na si Recson C. Precioso, 28-taong gulang, residente ng Barangay San Jose, Esperanza.
Ayon kay Brig. Gen. Romeo M. Caramat Jr., PRO-13 director, naaresto si Precioso sa checkpoint ng pulis at militar matapos makatanggap ng impormasyon na may isang armadong indibidwal na paparating sakay ng isang motorsiklo.
Natagpuan kay Precioso ang isang .357 caliber revolver na may lamang mga bala.
“Precioso failed to present supporting documents such as License to Own and Possess Firearms upon verification,” ayon kay Caramat.
Kinumpirma naman ng isang dating rebelde na miyembro ang suspek ng SPARU unit ng Guerilla Front (GF) 8 ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
“PRO-13 vows to stop any attempt of the CTG (Communist Terrorist Group) to sow violence in Caraga Region, like killing of government officials, uniformed personnel, and civilians,” dagdag ni Caramat.
Kinilala ang CPP-NPA na teroristang organisasyon ng United States, The European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand at ng Pilipinas.