Isang NPA lider sa Samar, nasawi sa engkuwentro

Isang NPA lider sa Samar, nasawi sa engkuwentro

NASAWI ang isang kilalang lider ng komunistang teroristang grupong New People’s Army (NPA) matapos maka-engkuwentro ng mga sundalo ng 46th Infantry Battalion ng 8th Infantry Division sa Brgy. Cawayan, Catbalogan City, Samar.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok bago umatras ang mga rebelde at iniwan ang kanilang nasawing kasamahan narekober naman ng mga sundalo ang isang 45 caliber pistol at mga subersibong dokumento.

Kinilala ang nasawing communist terrorist group (CTG) leader na si Artemio Solayao alias Budil, lider ng Squad 2, Yakal Platoon, SRC Browser ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Si alias Budil ay may iba’t ibang warrants of arrest para sa kaniyang ginawang mga karahasan laban sa tropa ng gobyerno kabilang na ang ginawang pag-ambush sa tropa ng 14th Infantry Battalion noong taong 2014 sa Maypadandan, Catbalogan City.

Umaasa naman ang Brigade Commander ng 801st Infantry Brigade na si BGen. Lenart Lelina na ngayong kapaskuhan ay maikunsidera ng mga natitirang miyembro ng komunistang grupo na sumuko upang makasama ang kanilang mga pamilya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter