KINANSELA ang lisensiya ng isang offshore gaming hub na Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga.
Ayon sa Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro Tengco, ang naturang gaming hub ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang pamamalakad ng mga offshore gaming sites nito.
Bunsod nito, muling binalaan ni Tengco ang mga offshore gaming operator na lisensiyado ng PAGCOR na iwasan ang anumang pagkakasangkot sa anumang criminal activities kung gusto ng mga itong mapanatili ang kanilang mga lisensiya.
Hindi rin pinalagpas sa babala ng PAGCOR Top Honcho ang mga foreign nationals kung saan pinag-iingat ang mga ito sa pagtanggap ng nakakasilaw na job offers sa bansa na ginagamit ng mga manloloko para sa human trafficking.
Kasabay nito ay binigyang-diin din ni Tengco na patuloy ang ginagawamg koordinasyon ng PAGCOR sa mga partner government agencies nito para labanan ang mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa offshore gaming operations.