Isang online app, inilabas ng immigration para sa mas mabilis na visa at permit applications ng foreign students

Isang online app, inilabas ng immigration para sa mas mabilis na visa at permit applications ng foreign students

MAAARI nang mag-apply for student visas at permits sa Pilipinas ang mga interesadong dayuhang mag-aaral via online.

Kasunod ito sa launching ng Bureau of Immigration (BI) sa isang online application system.

Bagamat parte sa ipinapatupad na modernisasyon sa kanilang ahensiya, isa sa mga layunin ng Immigration sa launching ng online app ang maging mabilis ang pagkuha ng visas at permits ng foreign students.

Bilang bahagi na rin anila ito sa target ng bansa na maging ‘Leading Education Hub in Asia’.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble