ARESTADO ang 36 taong gulang na pari matapos nitong hagisan ng asido ang pitong bishop sa Petraki Monastery sa Athens.
Kaugnay nito, tatlong bishop ang ginagamot na sa ospital matapos magtamo ng burn sa kanilang mga mukha.
Ayon kay Health Minister Vassilis Kikilias, isa sa mga biktima ay nangangailangan ng plastic surgery.
Bukod dito ay tinakbo rin sa ospital ang pulis na tumulong sa mga bishop.
Ayon sa Athens News Agency, ang suspek ay sangkot umano sa drug trafficking.
Ayon pa sa isang local media, nagsagawa ng pulong ang mga bishop upang tanggalin ang suspek sa pagkapari.
Matatandaan na noong Hunyo 2018, inakusahan ang suspek sa possession of 1.8 grams of cocaine.