DAHIL sa malawakang pag-ulan na nararanasan sa Mindanao dulot ng low pressure area kamakailan, ay isang itim na Toyota Hilux ang inanod sa rumaragasang baha sa Purok Uno, Manasa Antipan, Mabini, Davao de Oro.
Sa viral video, makikitang tinangay ng baha ang sasakyan.
Mabilis na rumesponde ang mga residente ng lugar na agad nakabitan ng lubid ang Hilux para hindi tuluyang maanod.
Ligtas na nakalabas ng sasakyan ang driver at isang pasahero nito.
Ayon sa mga residente, mula sa Boringot, Pulang Lupa ang sasakyan at pinilit umano ng driver na dumaan sa lugar kahit mataas na ang tubig baha.