Isang planta ng San Miguel Corp., tumigil na sa pagsusuplay ng kuryente –Meralco

Isang planta ng San Miguel Corp., tumigil na sa pagsusuplay ng kuryente –Meralco

ITINIGIL na ng South Premiere Power ng San Miguel Corporation ang pagsusuplay ng 670 megawatts (MW) ng kuryente simula ngayong araw, Disyembre 7.

Ito ang kinumpirma ng Manila Electric Co. (Meralco) matapos ang 60-araw na temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Court of Appeals (CA).

Sa ngayon, kumukuha ng supply ang Meralco sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil wala pang approved emergency power supply agreement mula sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ng Meralco na naghahanap na sila ng panibagong generation company na magsu-supply ng 670 MW na enerhiya.

Kamakailan ay pinagbigyan ng CA ang South Premiere Power Corp. na isuspinde ang kanilang power supply agreement sa pagitan ng Meralco.

Ito’y matapos hindi pinayagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na itaas ang taripa ng kuryente.

Ipinaliwanag naman ng San Miguel Corp. kung saan sakop ang South Premiere Power Corp. na ang kahilingan nitong rate hike ay “temporary relief” lang upang maitaguyod ang pangangailangan ng kuryente sa bansa habang naabot din ang obligasyon nila sa kanilang stakeholders.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Suplay ng kuryente kasunod ng pagtanggi ng ERC sa petisyong taas-singil, pinatitiyak sa Meralco

Meralco, ikinababahala ang nakawan ng mga kable ng kuryente

Follow SMNI News on Twitter