NAGSAGAWA ng isang prayer rally ang ilang supporters ni Vice President Sara Duterte sa Rizal Park, Davao City nitong Sabado, Nobyembre 23, 2024.
Maliban sa daan-daang Dabawenyo, dumalo rin sa naturang prayer rally si Vice Mayor Melchor Quitain, mga konsehal, brgy. officers at mga kinatawan ng pribadong sektor.
Idinadalangin ng supporters na protektahan ang pangalawang pangulo mula sa anumang panganib, magkaroon ng pagbabago sa sistema ng gobyerno, at mailayo ang Pilipinas sa mga mapang-abusong mga lider.
Sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City ay nagkaroon din ng kaparehong prayer rally noong Sabado.
Matatandaang, kaliwa’t kanan ang pambabatikos na kinakaharap ngayon ng tanggapan ni bise presidente sa usapin ng politika.