Isang private plane, nag-crash sa Brgy. Malatimon, Ampatuan Maguindanao del Sur

Isang private plane, nag-crash sa Brgy. Malatimon, Ampatuan Maguindanao del Sur

ISANG private plane ang nag-crash sa isang sakahan sa Brgy. Malatimon sa bayan ng Ampatuan Maguindanao del Sur ngayong Huwebes ng hapon.

Batay sa mga ulat, may tail number na N349CA ang bumagsak na eroplano.

Hindi naman bababa sa dalawang katao na lulan nito ang nasawi sa insidente habang nadamay ang isang kalabaw.

Wala rin naiulat na iba pang naapektuhan sa nag-crash na eroplano.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng awtoridad ang sanhi ng insidente at iba pang impormasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter