Isang ride-hailing company sa bansa, dadagdagan ng 10K ang service cars ngayong holiday season

Isang ride-hailing company sa bansa, dadagdagan ng 10K ang service cars ngayong holiday season

INANUNSIYO ng ride-hailing company na Grab Philippines na dadagdagan nila ang kanilang service cars ng hanggang 10 libong ngayong papalapit na ang Pasko.

Para anila mas matutugunan nila ang booking demands ngayong holiday season.

Ang unang tranche ng mga sasakyan na katumbas ng limang libo ay pinoproseso na habang ang second tranche ay hindi pa idinetalye kung kailan.

Sa bilang na ito ay sinabi ng Grab Philippines na naabot na nila ang kanilang ‘pre-pandemic level’.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble