Isang salita sa Panatang Makabayan, binago ng DepEd

Isang salita sa Panatang Makabayan, binago ng DepEd

BINAGO ng Department of Education (DepEd) ang isang salita sa Panatang Makabayan.

Sa bisa ng DepEd Order No. 4 s. 2023, pinalitan ang salitang “nagdarasal” ng “nananalangin.”

Alinsunod ito sa rekomendasyon ng mga eksperto at linggwista.

Sinabi ng DepEd na napagkasunduan ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino ang paggamit ng “nananalangin” dahil ito ay mas inclusive, solemn at ang pagpili sa nasabing salita ay pinag-isipang mabuti at malawakang sinaliksik.

Follow SMNI NEWS in Twitter