Isang Samar culinary book nasungkit ang 2 global awards

Isang Samar culinary book nasungkit ang 2 global awards

NAKASUNGKIT ng dalawang major global awards ang culinary book series na The Secret Kitchens of Samar.

Ang mga ito ay ang ‘Best Book Series in the World’ at ‘Best Regional Book in the World’ mula sa Gourmand World Cookbook Awards 2025.

Ang event ay isinagawa noong Hunyo 18 hanggang 20 sa Estoril Convention Center sa Lisbon, Portugal.

Ang Gourmand World Cookbook Awards ay itinatag noong taong 1995.

Nagbibigay-pugay ito sa pinakamahusay na mga publication tungkol sa pagkain at inumin mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble