Isang Slovak national natagpuang patay sa abandonadong chapel sa Aklan

Isang Slovak national natagpuang patay sa abandonadong chapel sa Aklan

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang Slovak national sa isang abandonadong chapel sa Zone 3, Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag, Malay, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Michaela Mickova, 23 anyos, na residente ng Hennan Lagoon Resort.

Batay sa impormasyon ng PNP, naiulat na nawawala si Mickova noong Lunes, Marso 10, at natagpuan lamang nitong Miyerkules, March 12, 2025.

Ayon sa rumespondeng pulis, wala nang suot na pang-ibabang kasuotan ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ng Aklan upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito at kung sino ang posibleng nasa likod ng krimen.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble