NAKATAKDANG ibebenta ng Australia ang isang malaking solar power project nila na nag-collapse noong nakaraang linggo.
Layunin nilang maibenta ito bago matapos ang buwan ng Enero subalit tinatayang aabot sa tatlong buwan ang igugugol para sa sale process.
Nag-collapse ang proyekto na ito ng Sun Cable, isang Singapore-based company matapos ang 2 top investors nila ay hindi nagkasundo sa kanilang mga plano para dito.
Ang tinutukoy na proyekto ng Sun Cable ay ang Australia-Asia Powerlink na target ang makapagbigay sana ng 20 gigawatt power mula sa isang solar farm.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng 20 billion dollars.