Isang steel manufacturer sa bansa, magbubukas ng bagong planta sa Quezon Province

Isang steel manufacturer sa bansa, magbubukas ng bagong planta sa Quezon Province

MAGBUBUKAS sa Candelaria, Quezon ng isang P30B na planta ang isa sa pinakamalaking steel manufacturers sa bansa.

Sa anunsiyo, ito’y dahil gagawa na ang Steelasia Manufacturing Corp. ng heavy structural steel products na kasalukuyang inaangkat ng Pilipinas.

Sa pamamagitan nito ay inaasahang makakatipid na ang bansa ng 1.2 billion dollars bawat taon.

Tinatayang aabot din sa pitong libong trabaho ang iaalok kaugnay sa itatayong bagong steel plant.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble