Isang taga-suporta umiiyak na inihayag ang nagawa ni FPRRD

Isang taga-suporta umiiyak na inihayag ang nagawa ni FPRRD

BINIGYANG-diin ng isa sa mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sasabihin niya sa dating Pangulo na hindi ito nag-iisa kundi kasama nito ang sambayanang Pilipino.

Hindi lang anila sila sumusuporta kundi humahanga sa mga nagawa ni dating Pangulo para sa bansa.

 “Hinahangaan ko ang Pangulong Duterte dahil sa mga nagawa niya sa bayan,” pahayag ng isang taga-suporta ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Iginagalang ka namin dahil alam naming na ang ginagawa mo ay para sa sambayanang Pilipino hindi pansarili,” dagdag nito.

Iginiit niya na noong si Pangulong Duterte pa ang naupong pangulo ng Pilipinas ay naramdaman niyang may pangulo siya ngunit hindi na niya ito nararamdaman ngayon.

Nagtulog-tulugan lang aniya ang gobyerno ngayon.

Naglingkod nang tama ang dating Pangulo at hindi nagnakaw.

Aniya hindi magastos si Duterte na kahit magpatawag ng meeting sa Malakanyang ay simple lang ang pagkain dahil nakatatak sa isip nito na ang pera ng gobyerno ay pera ng taumbayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble