NATIMBOG ng pinagsamang pwersa ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Malaybalay City Police Station (CPS) at ng PDEA RO-10 Bukidnon Provincial Office ang itinuturing na top provincial drug personality sa nasabing lugar.
Kinilala ang nahuling suspek na si alyas “Edmar,” 34 taong gulang na nakatira sa Barangay Casisang, Malaybalay City.
Ang nabanggit na operasyon ay ginawa sa Barangay 9, Malaybalay City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng aabot sa humigit kumulang 40 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halaga na aabot sa 272,000.00.
Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng PNP ang nahuling suspek at na-itenurn-over narin sa PNP Crime laboratory ang nakumpiskang iligal na droga para sa gagawing eksaminasyon, kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa nahuling suspek.