BUNGA ng isinagawang operasyon ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, nahuli ang isang babaeng Zambian ng South Africa ng halos sampung libong gramo ng shabu.
Nasabat ang ilegal na droga sa bagahe nito na nagkakahalaga ng P63M.
Bukod sa mga droga, narekober din sa operasyon ang cellphones, travel documents, at IDs nito.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 4 ng Art. II ng RA 9165, na may kaugnayan sa importasyon ng ilegal na droga.
Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng ilegal na droga at iba pang kasabwat nito sa Pilipinas.