Isinusulong na alternatibong renewable energy sources, suportado ng NGCP

Isinusulong na alternatibong renewable energy sources, suportado ng NGCP

NAGPAHAYAG ng suporta ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga hakbang ng Energy sector sa pagsusulong ng green energy o mga alternatibong renewable energy (RE) sources.

Sa pahayag ng NGCP, nakapaloob na sa Transmission Development Plan (TDP) ang variable renewable energy at mga RE plant na nakakasa nang papasok sa grid sa mga susunod na taon.

Ang taunang TDP ay inihahanda ng NGCP at inihahain sa public consultations ay nakaakibat sa National Renewable Energy Program 2020-2040 ng Department of Energy.

Target nito ang pagpasok ng 50% ng renewables sa grid pagdating ng 2040.

Sinabi pa ng NGCP, ang State Grid Corporation of China (SGCC) na technical partner nito ang nagmamay-ari ng mga teknolohiya para magpatakbo ng isang green at sustainable power grid.

Dahil sa pagsosyo ng SGCC at NGCP, sinisiguro nito na handa at kaya ng grid ang pagpasok ng variable renewable energy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter