Isinusulong na Green Energy Electronic Jeepney ng pribadong sektor, suportado ng LTFRB

Isinusulong na Green Energy Electronic Jeepney ng pribadong sektor, suportado ng LTFRB

NAGPAHAYAG ng suporta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa inilunsad na Green Energy E-Transport Program (GEEP) ng kompanyang Basic Energy Corporation (BEC).

Isinusulong ng kompanya ang paggamit ng electronic jeepney na ligtas, mabisa, at mabuti para sa kalikasan.

Ang “electronic jeepney” ay mayroong itsurang modern at “iconic traditional-look.”

Kabilang sa nagsusulong sa paggamit nito ang ilang transport groups kabilang na ang Magnificent 7.

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, malaking bagay ang programa hindi lamang sa gitna ng pagpapatupad sa Modernization Program kundi maging sa paglutas ng problema ng Pilipinas sa kalikasan.

Humiling naman ang kompanyang BEC ng suporta sa Department of Transportation at LTFRB upang makakuha ng hindi bababa sa 82 na mga prangkisa.

Ito ay gagamitin sa pagpapakalat ng e-buses sa iba’t ibang probinsiya sa bansa sa loob ng limang taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter