PANANABOTAHE sa Uniteam nina Presidential Aspirant Bongbong Marcos at Vice-Presidential Aspirant Mayor Sara Duterte ang isinusulong ngayon na Isko-Sara tandem.
Ito ang hayagang sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa programa nito sa Sonshine Radio.
Ani Enrile, malakas ang Uniteam ng BBM-Sara kaya nais itong sirain ng kanilang mga katunggali.
Samantala, kaugnay naman sa kinakaharap ngayon na disqualification cases ni BBM at sa pahayag ng katunggali nito na si Vice President Leni Robredo na mas nais nitong talunin si Marcos kaysa sa ma-disqualify ito, sinabi ni Enrile na baka ito pa ang matalo.
Matatandaan na isa sa mga naghain ng diskwalipikasyon laban kay Marcos para sa 2022 elections ay ang kaalyado ni Robredo na grupong 1SAMBAYAN.