Iskedyul ng MRT-3 ngayong holiday season, inilabas na

Iskedyul ng MRT-3 ngayong holiday season, inilabas na

INILABAS na ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang iskedyul ng kanilang operasyon ngayong holiday.

Ayon sa MRT-3, may operasyon ang linya sa araw ng Pasko, Disyembre 25, 2022 at sa Bagong Taon, Enero 1, 2023 upang patuloy na mapagserbisyuhan ang mga pasahero nito.

Ang unang biyahe sa araw ng Pasko at Bagong Taon mula North Avenue Station at Taft Avenue Station ay 6:30am habang ang huling biyahe naman mula North Avenue ay 9:30 p.m. at 10:09 p.m. mula Taft Avenue Station.

Samantala, mas maikli rin ang operasyon ng MRT-3 sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Ang unang biyahe mula North Avenue Station sa Disyembre 24 at 31 ay 4:37 a.m at sa Taft Aveue Station naman ay 5:18 a.m ang unang biyahe.

Sa parehong mga araw, ang huling biyahe mula North Avenue station ay 7:48 p.m. at 8:26 p.m. naman mula Taft Avenue station.

Magbabalik naman ang regular weekend schedule sa Disyembre 30 at sa Enero 2.

Pinapayuhan din ang mga pasahero na huwag ng magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa MRT-3 upang hindi maantala ang biyahe.

Lahat ng pasahero ay isasailalim sa inspeksiyon at baggage checking, kasama na rito ang mga may dalang nakasarang regalo na kinakailangan nilang buksan upang mainspeksiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter