Isko Moreno, naniniwalang siya ang magdadala ng kapayapaan sa bansa

Isko Moreno, naniniwalang siya ang magdadala ng kapayapaan sa bansa

NANINIWALA si presidential candidate Isko Moreno na siya ang magdadala ng kapayapaan sa bansa.

Pipilitin ng kabilang kampo na tanggalin ang naupo sa pwesto.

Ito ang paniniwala ni presidential candidate Isko Moreno sakaling isa sa kampo ni Bongbong Marcos Jr. o Vice President Leni Robredo ang maihalal bilang pangulo ng bansa.

Aniya, dahil matagal na magkalaban ang mga Marcos at Aquino na ngayo’y nirerepresenta ni Robredo kung kaya’t posibleng magpapatuloy pa ang hidwaan kung may maiuupo sa kanila.

Dahil dito, kung sakaling nais ng publiko na magkaroon ng kapayapaan, iboto na aniya siya.

Nilinaw naman ni Moreno na hindi nito kinokonsiderang kalaban ang kanyang mga katunggali.

Hindi rin umano nito guguluhin sakaling siya ang mapalad na manalo ngayong halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter