Isko Moreno, planong bumili ng SpaceX satellite internet para sa Maynila

Isko Moreno, planong bumili ng SpaceX satellite internet para sa Maynila

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na isang hakbang na lamang ito sa kanyang plano na mas mabilis at maaasahang internet service sa Maynila kasunod ng pakikipag-usap nito sa Starlink, ang satellite internet technology na SpaceX company ng bilyonaryong si Elon Musk.

Ayon sa Aksyon Demokratiko standard-bearer, nalalapit na ang pamahalaan ng Maynila sa pakikipag-kasunduan sa Starlink services at maglagay ng satellite dishes na magbibigay ng internet sa 897 na barangay ng lungsod sa makatwirang presyo.

Kung mananalo ito sa pagka pangulo, ani Moreno ay umaasa itong magagawa niya ito sa buong bansa upang maging ang mga Pilipinong nasa malalayong rehiyon o lugar na palaging sinasalanta ng sakuna na may mahinang signal ay maaari pa ring magkaroon ng internet.

Ayon kay Moreno, makatutulong ito sa electronic commerce, mapabubuti ang komunikasyon sa pagitan ng mga opisina at ahensiya, at mapadadali rin ang buhay ng mga mag-aaral na napasailalim sa distance learning at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter