PINAG-iingat ngayon ng PAGASA ang mga residente sa isla ng Batanes sa oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang super typhoon “Hinnamnor” ngayong gabi.
Sa oras pumasok sa PAR ang super typhoon Hinnamnor, ito na ang ikatlong bagyong tumama sa bansa ngayong buwan ng Agosto.
Sa 5PM tropical cyclone bulletin ng PAGASA, inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang super typhoon “Hinnamnor” ngayong gabi.
Ito ay may layo ng 870 kilometro northeast ng extreme northern Luzon at napanatili nito ang lakas sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugso na aabot sa 240 kilometro kada oras.
Sinabi PAGASA weather senior specialist Raymond Ordinario, patuloy itong kumikilos sa west southwest sa bilis ng 25 kilometro kada oras.
Ani, Ordinario sa pagitan ng alas sais o alas otso ngayong gabi ay papasok ito sa PAR partikular sa bahagi ng Batanes.
Paalala naman nito sa mga residente na maging handa sa posibleng epekto ni super typhoon Hinnamnor.
Habang ang tropical depression Gardo ay may posibilidad na matunaw sa mga susunod na oras.
Batay sa PAGASA, tinatayang nasa layo ng 1,080 kilometro silangan ng extreme northern Luzon ang naturang bagyo.
At may hangin ito na nagtataglay ng 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong hangin na aabot sa 70 kilometro kada oras.
Kung saan, ito ay kumikilos pa rin pa hilaga sa bilis ng 10 kilometro kada oras.
Samantala, inaasahan naman na makararanas ng maulap na papawirin na kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat partikular sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Ilocos Region, CAR, Batanes, Zambales at Bataan.
Ito ay dahil sa trough o buntot na dala ng tropical depression Gardo at southwest monsoon o habagat.
Paalala naman ng PAGASA, ibayong pag-iingat ang kinakailangan at palaging nakaantabay sa mga advisory ng ahensiya para sa karagdagang kaalaman.