Islamic State leader sa Syria, napaslang ng Turkish Intelligence

Islamic State leader sa Syria, napaslang ng Turkish Intelligence

NASAWI ng Turkish Intelligence ang lider ng Islamic State (IS) na si Abu Hussein Al- Qurashi sa Syria.

Ito ay matapos nilang i-raid ang bayan ng Jandaris sa Northern Syrian na kontrolado ng mga rebelde.

Sa ulat ni Turkish President Tayyip Erdogan, matagal nang tinutugis ng intelligence organization si Qurashi.

Samantala, nagpapatuloy naman ang hukbo ng Estados Unidos at Syrian Democratic Forces (SDF) sa pagsalakay sa mga opisyal ng IS sa Syria.

Follow SMNI NEWS in Twitter