Isolation rooms sa QC, nakahanda na para sa posibleng monkeypox cases sa lungsod

Isolation rooms sa QC, nakahanda na para sa posibleng monkeypox cases sa lungsod

NAKAHANDA na ang mga isolation rooms sa mga city-owned hospital sa Quezon City.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagpasok ng monkeypox sa lungsod.

Ayon sa Quezon City government, mayroon nang nakatalagang kuwarto na may sariling comfort room para sa possible monkeypox cases ang Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital, at Novaliches District Hospital.

Bukod dito, puspusan ang isinasagawang orientation tungkol sa monkeypox para sa mga healthcare worker mula sa iba-ibang pampubliko at pribadong ospital, health centers, at sundown clinics and hygiene clinics.

Hulyo 29, 2022 nang kumpirmahin ng Department of Health ang unang kaso ng monkeypox sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter