Israel at Iran nagkasundo na para magkaroon ng ceasefire

Israel at Iran nagkasundo na para magkaroon ng ceasefire

INANUNSIYO ni US President Donald Trump na nagkasundo na ang Israel at Iran na magkaroon ng ceasefire.

Ang kasunduan ay nagsimula ayon kay Trump hatinggabi ng Martes, Hunyo 24, 2025, Eastern Daylight Time.

Sa Iranian local time, ito ay 7:30 ng umaga ngayong araw o 12:00 ng tanghali kung Philippine time.

Pagkatapos ng unang 12 oras sa Iran ay susunod na rin ang karagdagang 12 oras na ceasefire sa Israel.

Ibig sabihin, sa kabuuan, 12 oras na ceasefire mula sa Iran at isang 12 oras naman mula sa Israel.

Pagkatapos ng 24 oras, ideklara nang tapos ang digmaan o ang tinatawag na ’12‑day war’ sa pagitan ng Middle Eastern countries.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble