MAARING maapektuhan ang pagpapalaya ng mga Israeli hostage dahil sa mistulang pagkaantala ng Israel sa pagpasok ng mga humanitarian aid sa Gaza.
Ayon sa dalawang opisyal mula sa Hamas, kahit na napagkasunduan na sa ceasefire deal na walang dapat humadlang sa delivery ng ayuda, tila may mga pagkaantala sa proseso.
Sa ngayon, patuloy na umaapela ang mga taga-Gaza na maresolba agad ang isyung ito.
Hinggil sa pagpapalaya ng mga hostage, pitong Hamas hostages na ang pinabalik sa Israel kapalit ng kalayaan ng 290 Palestinian at isang Jordanian.