Israel nangako sa Brazil na tutulungan na labanan ang COVID-19

Foreign Minister Gabi Ashkenazi nangako ang Israel na susuportahan nito ang Brazil sa laban nito laban sa COVID-19 kasunod ng isang pagpupulong sa Jerusalem.

Mga matataas na opisyales ng gobyerno ng Brazil dumating sa Israel para sa isang pagpupulong patungkol sa pagpuksa laban sa coronavirus o COVID-19 pandemic.

Nagtulungan ang Brazil at ang Israel sa pagpuksa sa COVID-19 sa pamamagitan ng isang pag-aaral.

Kabilang na rin ang na diskubre ng isang Israeli na Inilarawan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu bilang isang “Miracle” treatment.

Ang pagpupulong ay dinaluhan nina Foreign Minister Ernesto Araujo at chair of the Congress Foreign Affairs Committee Eduardo Bolsonaro — anak ni Brazilian President Jair Bolsonaro.

Ayon kay Brazilian Minister of Foreign Affairs Ernesto Araujo, ang nasabing kooperasyon ay magkakaroon ng pagsasaliksik at palitan ng teknolohiya at ideya.

Paliwanag naman ni Ministry of Science, Technology and Innovations (MOSTI), Representative Marcelo Morales, ipagpapatuloy na lamang ng mga mananaliksik sa Brazil ang nasimulang pag-aaral noong nakaraang taon ng Pebrero o ang pagsisimula ng pandemya sa bansa.

Ayon sa post nito ay inihayag ni Morales na agad magpupulong ang dalawang bansa para sa gagawin nitong mga bakuna, genetic sequencing, at mga gamot.

Pinagpaplanuhan na rin ang pagpupulong ng mga lider mula sa iba’t-ibang research institution kasama na ang Sourasky Medical Center o mas kilala sa tawag na Ichilov hospital na una nang nagpalabas ng pag-aaral sa nasal spray kontra COVID-19.

Matapos ang isang pagpupulong sinabi ni Araujo at Ashkenazi na ang panig ay “Nagtutulungan upang mapalawak ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa na malabanan ang pagpuksa sa virus.”

Ashkenazi said Israel “will assist Brazil in every way possible and will also explore ways to deepen research and development on medicines and other solutions to deal with the virus.”

Samantala, ayon kay Araujo na isa lamang short term research ang gagawing kolaborasyon ng dalawang bansa dahil may iba pa itong paksang nais na mapag-usapan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.