Issue ng blank items sa 2025 Bicam report, idudulog sa Korte Suprema —Cong. Ungab

Issue ng blank items sa 2025 Bicam report, idudulog sa Korte Suprema —Cong. Ungab

SA kaniyang 15 taong karanasan bilang kongresista, ngayon lang daw nakakita si Davao City Rep. Isidro Ungab ng ganitong sistema sa Bicameral Conference Committee.

Ang tinutukoy niya ay ang mga blankong line item sa Bicam report ng 2025 national budget na aniya’y labag sa batas.

Partikular sa tinukoy ang ang missing budget amounts sa Department of Agriculture at Unprogrammed Appropriations na aniya’y bilyones ang halaga.

‘’Actually all in all there are 13 pages—a total of 28 blank items which will amount to billions of pesos. Ang tanong kung bakit ito napirmahan?’’ ayon kay Davao City Rep. Isidro Ungab Former Committee on Appropriations Chairman.

Ani Ungab, dapat walang blangko ay kumpleto ang line items sa Bicam report dahil ito ay pipirmahan ng presidente.

Pag-dating sa lamesa ng Pangulo, iginiit ng 2-time Appropriations Committee Chairman na hindi na maaaring punan ang mga blangkong line items dahil hindi na ito prerogative ng pangulo.

Sa ilalim ng presidential veto, maaari lamang magbawas at hindi magdagdag ng pondo ang punong ehekutibo.

Kaya ani Ungab, defective ang 2025 Bicam report.

‘’Bakit napirmahan na maraming blanko at bakit naratipika na maraming blangko. So yung sinasabi nila na GAA, kumpleto yes kumpleto ang GAA. Ang tanong saan ninyo gi-based ang GAA kasi kung may blangko ka sa bicam report paano nagiging may figures na doon sa GAA?’’ saad ni Rep. Isidro Ungab.

Nauna nang tinawag ni Pangulong Marcos Jr. si dating Presidente Rodrigo Duterte na siyang nagsiwalat sa issue sa 2025 bicam report.

Pero ani Ungab, iba ang GAA o General Appropriations Act o ang batas na naglalaman sa national budget ngayong taon at iba rin ang Bicam report na hindi naman batas.

Saad naman ni Ungab na dudulog siya sa Korte Suprema para kuwestyunin ang issue kasama ng iba pang mga grupo.

Giit niya, hindi na tama ang ginagawa sa bicam at palala na ito ng palala kada taon.

‘’The safest way na ginawa namin noon is yung resulta o yung GAB na naipasa doon sa house yung figures mo by department ilagay mo sa house version then kunin mo rin yung senate version side by side, gagawa ka ng matrix then i-compare mo ngayon kung ano diperensya o ano ang variance and diyan mag-start ang inyong reconcillation. Ang nangyari kasi ngayon totally third chamber yung kuwan eh. Wala akong nakitang matrix na pinakita nila. So third chamber, inulit talaga yung buong budget. Pagdating doon sa bicameral conference,’’ ani Ungab.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble